MAAYOS NA KALAGAYAN | Limang pasahero ng lumubog na motorbanca sa Masbate, ligtas na

Masbate – Nailigtas na ng Philippine Coast Guard Masbate ang limang pasahero ng lumubog na motorbancang Berlyn sa karagatang sakop ng Baleno, Masbate.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon, patungo sana ng Bolo, Masbate ang motorbanca nang banggain ito ng malaking isda, dahilan nang paglubog nito.

Makaraang matanggap ang ulat, agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang PCG, kung saan ligtas na ang limang pasahero kabilang ang kapitan nito, habang nahila naman na ang lumubog na motorbanca sa pampang.


Facebook Comments