Maayos na lagay ng sektor ng agrikultura, hiling ni PBBM sa kanyang kaarawan bukas

Maging maayos ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito lamang ang nag-iisang kahilingan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang ika-66 na kaarawan bukas, September 13.

Ayon kay Pangulong Marcos, sana’y maging malinaw na aniya kung kailan ba talaga ang panahon ng tag-ulan at tag-araw para maging maayos din ang paglalatag ng programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.


Aniya, sa ganitong paraan ay mas magiging akma ang tulong na maihahatid ng pamahalaan sa mga magsasaka.

Samantala, sa usapin naman ng price cap ng bigas, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi masisisi ang retailers kung nag-aalinlangan silang magbenta ng palugi sa ilalim ng EO 39.

Inaasahan na aniya nila ang ganitong mga hinaing lalo na maraming hindi sigurado kung babalik pa ang kanilang kita sa pagbebenta ng mas mababang presyo ng bigas.

Gayunpaman, tiniyak ng pangulo na magpapatuloy ang kanilang pamamahagi ng financial aid hanggang sa maging matatag nang muli ang presyo ng bigas sa merkado.

Facebook Comments