Maayos na mental health ng mga Pilipino, kailangang tutukan din ng gobyerno – senador

Iginiit ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na ilatag ang kailangang hakbang at programa para mapangalagaan ang mental health ng mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Hiling ito ni Go alinsunod sa apela ng World Health Organization (WHO) sa mga bansa na mamuhunan sa mental health ng mamamayan.

Lumalabas kasi na halos 2% lang ng pambansang budget at kulang-kulang 1% ng kabuoang international aid ang nakalaan sa mental health.


Sabi ni Go, ito ang layunin ng Mental Health Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018.

Itinatakda ng batas ang pagkakaloob ng mental health services mula sa barangay level, gayundin ang pagpapatupad ng mental health and wellness programs sa bawat komunidad.

Kaugnay nito ay pinabubuo ni Go ang PhilHealth ng komprehensibong mental health package para sa libreng consultation at outpatient services.

Facebook Comments