
Unang iginiit ni bagong Philippine National Police (PNP) OIC Chief PLtGen. Melencio Nartatez Jr. na magiging sentro ng kanyang liderato ang maayos na paggamit at pamamahala sa resources ng Pambansang pulisya.
Ayon kay Nartatez, kabilang sa kanyang “focus program” ang pagtutok sa manpower, logistics at finances ng Pambansang pulisya upang matiyak ang mas epektibong pagpapatupad ng mga programa.
Ibig sabihin, prayoridad ang tamang pamamahala sa mga tauhan, kagamitan at pondo ng pulisya.
Kasabay nito, binigyang-diin ni Nartatez ang kahalagahan ng Enhanced Managing Police Operations, na nakatuon sa mas pinaigting na laban kontra krimen, mas aktibong operasyon, patrol, at pagtugis sa mga wanted persons.
Facebook Comments









