MAAYOS NA PAGPAPANATILI NG KALUSUGAN SA KAPASKUHAN, IPINAALALA NG DOH ILOCOS REGION

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) Ilocos Region sa publiko na panatilihin ang disiplina sa pagkain ngayong kapaskuhan upang maiwasan ang sobrang pagkain at mga posibleng karamdaman sa gitna ng sunod-sunod na handaan.

Ayon sa ahensya, mahalagang sundin ang balanseng pagkain at iwasan ang labis na matatamis, maalat, at mamantikang pagkain lalo na sa panahon ng holiday season.

Ipinayo rin ng DOH ang regular na pisikal na aktibidad tulad ng Zumba, pagjo-jogging, o simpleng ehersisyo sa bahay upang mapanatili ang kalusugan at makatulong sa pagbawas ng stress.

Patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na maging maingat sa pagkain at aktibo sa ehersisyo upang mapangalagaan ang kalusugan at matiyak ang ligtas at masayang pagdiriwang ng Pasko.

Facebook Comments