Umapela ang lokal na pamahalaan ng Navotas sa gobyerno na linawin ang mga ipinatutupad na panuntunan sa pagsusuot ng face shields.
Kasunod ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin ang mandatoryong pagsusuot ng face shields sa loob at labas ng mga establisyemento.
Sa interview ng RMN Manila kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, sinabi nito na bagama’t mandatoryo na ang utos na pagsusuot ng face shields sa mga pampublikong lugar sa kanilang lungsod, may mga pagkakataon pa rin na hinahayaan na lamang ito.
Tulad na lamang aniya sa loob ng traysikel, sasakyan at palengke kung saan may open air at hindi kulob ang hangin.
Facebook Comments