Pinapatiyak ni BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co ang maayos na pagtrato sa mga pasahero sa mga paliparan sa harap ng pagtaas ng mga bumibiyahe ngayong Holy Week, summer season at humuhupang pandemya.
Mahigpit itong paalala ni Representative Co sa Bureau of Immigration (BI) at sa Office of Transportation Security upang masiguro na walang mangyayaring harrassment, pagnanakaw at iba pang hindi maayos na pagtrato sa mga pasahero sa paliparan.
Pinagsabihan din ni Congresswoman Co, ang mga airport management, air travel authorities at mga airlines na maagang abisuhan ang mga pasahero kung may pagbabago sa schedule ng biyahe o mga patakaran.
Kaugnay nito ay pinapayuhan naman ni Co ang mga inbound at outbound travelers na agahan ang pagpunta sa mga airports at tiyaking kumpleto ang mga dokumentong dala upang maiwasan ang delay o anumang aberya sa kanilang biyahe.