Pinuri ni World Health Organization (WHO) representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na maayos ang naging pagtugon ng Pilipinas sa laban kontra COVID-19.
Ayon kay Abeyasinghe, malaking bagay ang naging tulong ng pagpapatupad ng pamahalaan ng lockdown.
Nagamit aniya nang maayos ang mahabang lockdown para mapalakas ang mga healthcare facilities at mapadami ang testing laboratories sa bansa.
Bagama’t mahigit sa 10,000 aniya ang bilang ng mga namatay sa bansa sa virus, posibleng naging mas mataas pa sana ang bilang ng fatalities kung hindi agad nakapagpatupad ng lockdown ang pamahalaan.
Nagpaalala rin ito na dapat pa ring panatilihin ang mahigpit na pagsunod sa health protocols.
Facebook Comments