MAAYOS NA PAMAMALAKAD NG MGA GOVERNMENT TRANSACTIONS, TINIYAK NG LGU DAGUPAN

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang maayos na pamamalakad sa mga government transactions alinsunod sa pagsusulong ng Ease of Doing Business (EODB) sa mga tanggapan ng gobyerno.
Isinagawa ang pulong sa mga department heads upang talakayin ang mga serbisyo tulad ng streamlining and centralized digitalization para sa business application, gayundin ang online payment system sa pag-iimplementa ng electronic Business One-Stop Shop (eBOSS).
Kabilang ang nasabing adhikain ng Anti-Red Tape Authority na magpairal ng hassle free, no kotong at no red tape policy sa gobyerno.

Layunin nitong maalis ang mga sagabal na proseso at sistema sa gobyerno na siyang na nagpapahirap sa mga nasasakupan nitong mga residente. |ifmnews
Facebook Comments