MAAYOS NA | Road network sa Boracay, 90 percent nang kumpleto

Manila, Philippines – Nasa 90 percent na umanong maayos ang mga road network sa Boracay bilang paghahanda sa full blast opening nito sa susunod na taon.

Ayon kay DENR Usec. Jonas Leones – finishing toucghes na lang ang ginagawa sa mga sinesementong kalsada roon.

Umaasa ang DENR na makukumpleto na ang pagsasaayos ng mga kalsada sa isla bago ito buksan.


Tuluy-tuloy din aniya ang monitoring ng ahensya sa kalagayan ng Boracay para hindi ito ulit maabuso.

Facebook Comments