Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na mahalagang magkaroon ng maayos sa sistema sa pagpapatupad ng community pantry.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, importanteng may coordination ang mga organizer sa mga local government unit (LGU) at sa law enforcement agencies para makontrol ang pagdagsa ng mga tao.
Binigyang diin ni Diño na dapat mayroong ipinamimigay na stab o ticket para malimitahan ang mga taong pupunta.
May obligasyon din ang mga barangay na bantayan ang mga ganitong inisiyatibo para masigurong nasusunod ang minimum health standards.
May pananagutan din ang mga local officials sakaling nagkaroon ng paglabag sa mass gatherings.
Gayumpaman, inihayag ng DILG na nasa diskarte ng organizers kung sino ang target nilang matulungan ngayong panahon ng krisis.