Maayos na vaccine distribution, tiniyak ng pamahalaan

Tiniyak ng pamahalaan na magpapatupad ng maayos na distribusyon ng coronavirus vaccines kapag dumating na ang supply sa bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, bahagi ng vaccine rollout ang opsyon para sa priority beneficiary na tumanggi sa libreng bakuna.

Ang mga ayaw mag-avail ng libreng bakuna ay ihuhuli sa mga makatatanggap para maiwasan ang pagkakadiskaril ng vaccination campaign.


Sa mga nag-waive ng vaccine shot ay kailangang maghintay dahil uunahin ang mga gustong magpabakuna.

Una nang inanunsyo ng pamahalaan na gagamit ng geographical at sectoral strategy para sa pamamahagi ng bakuna ngayong taon.

Prayoridad sa immunization ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na may mataas na kaso ng COVID-19.

Facebook Comments