MAAYOS | Pagbubukas ng botohan sa Barangay at SK Elections, naging payapa sa pangkalahatan – ayon sa COMELEC

Manila, Philippines – Maayos at payapa sa pangkalahatan ang pagbubukas ng botohan ngayong araw para sa Barangay at SK elections.

Sa press briefing sa COMELEC Command Center sa Maynila, sinabi ni Spokesperson James Jimenez na dalawang oras makalipas ang pagbubukas ng mga polling centers, walang election problems na naitala sa Regions 1, 3, 4A, 4B, 6, 7, 8 at CAR.

Gayunman, ilan isolated incident aniya ang kanilang naitala tulad ng hindi makontak na election officers o problema sa cell sites sa Samar, vote buying sa Region 6 at sa Central Luzon at late na pagsisimula ng botohan sa ilang presinto sa Metro Manila.


Samantala, pinakilos na ng COMELEC ang mga election officers para matiyak na mabibigyan ng prayoridad ang mga botanteng matatanda, buntis, at Persons with Disability (PWD).

Activated na rin ang code alert ng Department of Health sa lahat ng pampublikong ospital para sa mga botanteng magkakaroon ng problemang pangkalusugan habang bumoboto.

Ang Phil. National Red Cross naman ay nagpakalat ng first aiders sa polling precints at nagdeploy ng mga ambulansya.

Facebook Comments