MABABA | Pilipinas, bumaba ng tatlong ranggo sa 2018 Economic Freedom Index

Manila, Philippines – Bumaba ng tatlong ranggo ang Pilipinas sa 2018 Index of Economic Freedom.

Ayon sa The Heritage Foundation na nakabase sa Washington, nasa 61 ang Pilipinas mula sa ika-58 noong nakaraang taon.

Nakakuha ang Pilipinas ng Average Economic Freedom score na 65 na mas mataas sa World Average Score na 61.1.


Gayunman, mababa ng 0.6 ang overall score ng Pilipinas kumpara sa nakuhang grado noong 2017 na 65.6.

Ibinatay ang score sa Government Integrity, pagiging malaya sa pananalapi at property rights indicator.

Sa kabila nito, naging maganda naman ang ranggo ng Pilipinas sa Asia Pacific Region na naging pang-13 mula sa 43 mga bansa.

Facebook Comments