Manila, Philippines – Patuloy na mababa ang ranggo ng pilipinas pagdating sa Long Term Evolution o LTE network availability at speed.
Ang LTE (mas kilala ring 4g Network) ang ika-apat na henerasyon ng Mobile Communication kung saan ang internet speed nito ay sampung beses na mas mabilis kumpara sa 3g network.
Batay sa February 2018 report ng research firm na *open signal*, ang Pilipinas na nasa ika-75 pwesto mula sa 88 bansa pagdating sa availability ng LTE network o nasa 63.73%.
Pagdating naman sa LTE speed, kulelat ang Pilipinas sa 85th sport mula sa 88 bansa kung saan ang average download speed ay nasa 9.49 mbps (megabits per second)
Nangunguna pa rin sa listahan pagdating sa 4g availability ang South Korea na sinundan ng Japan bilang 2nd place at Norway sa ikatlong pwesto.
Nananaig sa 1st spot pagdating sa 4g speed ang Singapore habang nasa ikalawang pwesto ang the Netherlands habang 3rd place ang Norway.
Ang bansang Algeria naman ang nasa panghuling pwesto na may pinakamababang 4g availability habang ang India ang may pinakamabagal na 4g download speed.