Manila, Philippines – Binubusisi na sa Kamara ang panukalang ₱3.757 trillion 2019 National Budget ng Duterte Administration.
Puna ni House Minority Leader Danilo Suarez, mababa ang budget sa susunod na taon at tila nabawasan ng proyekto ang mga distrito nila.
Pinagsusumite ni Suarez ang mga ahensya ng listahan ng mga proyekto bago mag-plenaryo.
Aniya, may mga proyekto ang gobyerno sa mga distrito na hindi alam ng mga mambabatas.
Giit naman ni House Majority Leader Rolando Andaya, nagkakaroon lamang ng kalituhan sa bagong sistema ng Department of Budget and Management (DBM) sa pondo.
Nabatid na sa 2018 ay ipinatutupad ang ‘obligation-based budget’ kung saan ang gastos ngayong taon ay maaring bayaran sa susunod na taon.
Pero sa 2019 ay gagawin nang ‘cash-based budget’ o gagastusin lamang ang anumang kikitain sa taong ito.