MABABALEWALA | Resolusyon kontra sa quo warranto petition laban kay CJ Sereno, mawawalan na ng saysay

Manila, Philippines – Sa pagbubukas ng session sa Julu 23 ay posibleng mawalan na ng saysay ang Senate draft resolusyon na humihiling sa Supreme Court na repasuhin ang desisyon na pumapabor sa quo warranto petition na nagpaptalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paliwanag ni Senate President Tito Sotto III, inaasahan na pagsapit ng nabanggit na petsa ay mayroon ng pinal na desisyon ang Supreme Court ukol sa apela ni CJ Sereno.

Ang nabanggit na draft resolusyon ay hindi napagtibay ng Senado dahil hindi natapos ang debate dito sa huling session ng mga Senador na inabot hanggang alas-2 ng madaling araw kahapon.


Sa kanyang post sa Twitter ay pinuri pa ni Sotto si Senator Panfilo Lacson dahil nagmistulang constitutionalist aniya ito sa paglalatag ng argumento kontra sa nabanggit na draft resolution.

Naniniwala si sotto na matapos ang mga katwirang inilahad sa plenaryo ni Lacson, na isang dating pulis, ay marami sa mga Senador ang naliwanagan na hindi pinapayagan ng konstitusyon ang senado na mag-interpret ng konstitusyon higit sa kataas taasahang hukuman.

Facebook Comments