Asahan ang mababang pamasahe sa eroplano sa ‘Ber’ months.
Ito ay dahil bumaba ang fuel surcharge at pagmura ng presyo ng jet fuel.
Ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla, downtrend ang nagiging presyo ng langis sa nakalipas na dalawang buwan.
Nitong Hulyo hanggang Agosto, nasa level 3 ng CAB Matrix ang fuel surcharge.
Sa ilalim ng matrix, ang mga pasahero sa Domestic Flights ay sisingilin ng 74 hanggang 291 Pesos sa level 3 surcharge, depende sa layo at halaga ng jet fuel.
Kapag International Flights naman sa ilalim ng level 3 ay aabot sa 381 hanggang 3,632.
Inaasahang i-aanunsyo ng CAP ang September-to-October fuel surcharge ngayong araw.
Facebook Comments