Mababang alokasyon ng tubig sa MWSS, mananatili sa Agosto – NWRB

Mananatili ang mababang water allocation para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa buwan ng Agosto.

Ito ang desisyon ng National Water Resources Board (NWRB) dahil nasa above critical level na 161.36 meters ang tubig sa Angat Dam.

Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr. – mababa pa rin ito sa minimum operating level na 180 meters.


Kaya mananatili ang 36 cubic meters per second sa Agosto.

Ang Angat Dam ang nagsu-supply ng tubig sa 96% ng Metro Manila.

Ang normal allocation ng MWSS at sa concessionaires nito ay 46 cubic meter per second.

Facebook Comments