BILANG NG MGA MAG-AARAL NA PUMASOK NOONG ENERO 2 AT 3, MABABA

Muling napansin ang mababang bilang ng mga mag-aaral na nagbalik-klase matapos ang holiday season, partikular noong Enero 2 at 3.

Sa Mangaldan National High School, nasa 25-28% lamang ng kabuuang mag-aaral ang pumasok, na katumbas ng halos 2,000 estudyante mula sa buong paaralan. Ayon kay Asst. Principal III Danilo Eden, magpapatupad sila ng enrichment activities para sa mga hindi nakadalo sa unang dalawang araw ng klase ng taon.

Samantala, iniulat din ng Teachers Dignity Coalition (TDC) na sa karamihan ng mga paaralan, hindi umabot sa 50% ang attendance ng mga mag-aaral. Bilang tugon, iminungkahi ng grupo na pag-aralan ang posibilidad ng pagpapalawig ng buffer days sa mga susunod na taon upang masiguro ang mas mataas na attendance pagkatapos ng bakasyon.

Ayon sa mga guro, mahalaga ang ganitong hakbang upang hindi maantala ang simula ng academic activities at masiguro ang pantay na oportunidad sa pagkatuto para sa lahat ng mag-aaral. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments