Mababang budget ng DepEd, napuna sa pagdinig ng kamara

Nabusisi sa pagdining ng pambansang pondo sa 2020 ang mas mababang budget ng Department of Education.

Kinwestyon ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang pagbaba ng budget ng DepEd kumpara sa orihinal na proposal nito.

Sa budget briefing ng DepEd sa House Appropriations Committee, nabatid na P804 billion pesos ang ipinapanukala ng ahensya ngunit P551 billion lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management.


Paliwanag ng DepEd, may mga programa sila na mas malaki ang alokasyon pero mas mababa ang naibibigay na pondo.

Napuna rin ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang underutilized funds ng ahensya na nagkakahalaga ng P40 billion noong 2018.

Depensa naman dito ni Education Sec. Leonor Briones, tumaas pa nga ang utilization rate ng ahensya sa 97% at 95% noong 2017 at 2018 mula sa dating 88% mula nang maupo siyang kalihim.

Facebook Comments