Mababang COVID-19 incidence, resulta ng holiday delays – OCTA

Naniniwala ang siyang miyembro ng OCTA Research Group na ang mababang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ay pansamantala lamang.

Ang kasalukuyang datos ay bunga ng pagkakaantala ng resulta dahil sa holiday season.

Ayon kay Dr. Guido David, maraming COVID-19 test centers ang sarado o hindi masyado nakakapagsagawa ng test kaya mababa ang mga numero.


Aniya, maaaring bumalik sa higit 1,000 ang daily new cases kapag bumalik sa normal ang testing.

Nasa 60% ng samples noong araw ng Pasko ang hindi pa nate-test ay maaaring magbunga ng mataas na bilang ng kaso at reproduction rate.

Mahalagang ipinagdiriwang ang holiday season sa ligtas at responsableng pamamaraan habang hindi pa natatapos ang pandemya.

Facebook Comments