Mababang COVID-19 resilience, sumasalamin sa mahinang pamamahala – VP Robredo

Hindi dapat kinukwestyon ng pamahalaan ang bagong Bloomberg Resilience Ranking kung saan pang-52 ang Pilipinas mula sa 53 bansang huling magbubukas.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na ang mababang ranggo ng Pilipinas ay bunga ng incompetitiveness ng pamahalaan.

Ipinapakita lamang aniya ng pag-aaral ang tunay na reyalidad.


Nangangahulugan ito na hindi pinaiigting ang efforts sa COVID-19 response.

Sinabi rin ni Robredo na dapat magkaroon ng assessment ang pamahalaan kung saan sila kulang sa COVID-19 response, hindi tirahin ang nagsagawa ng pag-aaral.

Aminado si Robredo na problema ang vaccine supply ng bansa, pero hindi pwedeng sisihin ng pamahalaan ang Bloomberg kung ikinokonsidera nila ang vaccination sa isa sa kanilang parameters.

Sa halip na kwestyunin ang pag-aaral, dapat bumuo ng mga programa ang pamahalaan para sa mga pamilyang nawalan ng kabuhayan, at tulungan ang mga maliliit na negosyante na napilitang magsara dahil sa pandemya.

Facebook Comments