Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) na mababa ang Case Fatality Rate (CFR) sa Pilipinas dahil sa maagang pagbuo ng clinical guidelines at information dissemination.
Ayon kay DOH – Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho, hindi naging maganda ang simula ng COVID-19 outbreak sa bansa dahil wala pang ideya ang lahat hinggil sa virus.
Binanggit ni Ho na pagdating noong Marso, ang iba’t ibang public at private medical societies ay bumuo ng solid clinical practice guideline.
Dito aniya ay nagiging malinaw na sa responders kung paano tutugon sa COVID-19 infections.
Naprotektahan din sa pamamagitan ng pagpapakalat ng tamang impormasyon ang mga 60-taong gulang pataas na itinuturing na mataas ang risk sa COVID-19.
Napalaganap din ang kulturang Pilipino kung saan inaalagaan ang mga matatanda sa loob ng bahay.