MABABANG ENROLLEES TURN-OUT NGAYONG SCHOOL YEAR, NAITALA NG DEPED REGIONAL OFFICE 1

Naitala ng DepEd Region 1 ang mas mababang bilang ng mag-aaral na nagpatala para sa school year 2021-2022 sa Ilocos Region.

Ito ay hanggang sa araw ng pagbubukas noong Lunes, Setyembre 13 – 1,043,505 kumpara sa 1,287,192 na mga enrollees na naitala sa Department of Education’s Learner Information System (LIS) sa taong 2021.

Wala rin sa labing apat (14) na mga DepEd school division office (SDO) sa Rehiyon ang nakamit ang isang daang porsyento (100%) na pagparehistro, ngunit ang Batac City ay nagtala ng 96.48%. Ang Pangasinan Division 2, isa sa pinakamalaking SDO sa rehiyon, ay ang pinakamababa sa 69.77%, ito ang sinabi ni Cesar Bucsit, head ng DepEd Regional Public Affairs Unit.


Inugnay ni Bucsit ang mababang turnout ng pagpapatala sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Samantala, pinalawig naman din ng DepEd ang panahon ng pagpapatala hanggang Setyembre 30 sa pag-asang makakuha ng mga nagparehistro.

Facebook Comments