Sinisisi ng Federation of Free Farmers Cooperative (FFF) ang mababang farmgate price at rice tarrification law na nagresulta ng pagkalugi ng mga magsasaka.
Ito ay matapos lumabas sa price monitoring ng grupong bantay bigas at amihan na nasa P9 na lamang kada kilo ang farmgate price ng palay sa Iloilo at Isabela.
Ayon sa FFF, may panuntunan noon na dapat dumating ang mga imported na bigas bago ang July 1 para hindi sumabay sa peak harvest season sa Setyembre.
Pero nang maipatupad ang batas ay tinanggal ang polisiyang ito.
Paliwanag naman ng Bureau of Plant Industry (BPI), pinangangasiwaan nila ang pagdating ng imported na bigas sa merkado pero wala silang kakayahan na pigilan ang pagpasok nito.
Sa ngayon, sabi ng National Economic and Development Authority (NEDA), hindi pangunahing dahilan ang patuloy na importasyon sa pagbaba ng farmgate prices dahil mas mataas ang presyo ng palay ngayong taon kumpara noong 2019 at 2020.