Mababang inflation rate, hindi ramdam ng mga manggagawa – ALU-TUCP

Manila, Philippines – Nagtataka ang grupo ng mga manggagawa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) dahil sa kabila ng pagbaba ng inflation rate, hindi pa rin ito nararamdaman at napapakinabangan ng mga ordinaryong manggagawa.

Tuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation rate mula 6.7% noong October 2018 na ngayon ay 0.8% na ngayong October 2019.

Ayon kay ALU-TUCP spokesman Alan Tanjusay, bagamat bumabagal ang antas ng inflation, ramdam ng mga maliliit na manggagawa ang mataas na bayarin sa kuryente at tubig.


Ani Tanjusay, marami pa rin mga manggagawa ang nagugutom at hirap na hirap mapagkasya ang maliit na sahod.

Maliban aniya sa walang mabiling murang NFA rice, nanatili rin aniyang mataas ang presyo ng bigas habang nakapako ang dagdag sa pasahod.

Nagdududa si Tanjusay na hindi nagtutugma ang mga datus sa reyalidad sa grassroots.

Facebook Comments