Sa Oktubre pa mararamdaman ang epekto ng Executive Order No. 62 o ang bawas-taripa sa imported na bigas.
Paliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, July 7 lang nang maging epektibo ang kautusan kaya sakop pa ng 35% tariff ang mga stocks ng bigas na inangkat mula Enero hanggang Hunyo.
Sa ilalim ng eo 62, ibinaba sa 15% ang taripa sa imported rice mula sa dating 35%.
Layon nitong mapababa ang presyo ng bigas na major contributor sa mataas na inflation rate.
As of August 15, naglalaro sa ₱45 hanggang ₱50 ang presyo ng kada kilo ng local regular milled rice, ₱45 to ₱54 naman ang well-milled.
Mabibili naman sa ₱47 ang imported regular milled rice habang ₱51 hanggang ₱55 naman ang well milled rice.
Facebook Comments