Malaking bagay ang pagbaba sa presyo ng ilang mga gulay sa gitna ng tumataas na presyuhan sa ilan pang mga pangunahing produkto, ayon sa mga mamimili sa bayan ng Mangaldan.
Sa pampublikong pamilihan ng bayan, nasa P10 na lang ang kada kilo ng kamatis, habang nasa P20 din ang per kilo ng sayote.
Malalaking size ngayon ng repolyo ang makikita sa merkado na naglalaro lamang sa P30 hanggang P40 ang presyo.
Ayon sa mga tindera na nakapanayam ng IFM News Dagupan, mababa na raw talaga ang presyuhan ng mga gulay ngayon kung ikukumpara sa presyo nito noong nakaraang buwan.
Dumami rin ang suplay ngayon kaya ang ilang tindera, bahagyang hinihigitan ang ipinagbibiling produkto sa kada kilo.
Samantala, ayon sa mga konsyumer, mainam daw ang paggugulay lalo ngayong nararanasan ang pagsipa naman sa presyo ng mga isda at karne. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨






