Bilang tugon sa mababang produksyon ng mais sa Mapandan, nagsagawa ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng pamamahagi ng corn seeds at organic at inorganic fertilizer upang mapataas ang ani ng mga magsasaka.
Sa panayam ng IFM Dagupan sa MAO Mapandan, nakatutulong ang ganitong hakbang upang mapalakas ang paglago ng pananim at mapabuti ang produksyon.
Ayon pa sa MAO, noong Disyembre isinagawa ang pinakahuling distribusyon ng mga binhi at pataba.
Layunin nitong direktang matulungan ang mga magsasaka na makabawi mula sa mababang ani na pangunahing problema sa sektor ng mais sa bayan.
Batay sa paunang resulta, sinabi ng tanggapan na naging matagumpay ang isinagawang pamamahagi.
Sa kabila nito, tinitignan parin pangmatagalang solusyon sa pagpapataas ng produksyon ng mais sa Mapandan.








