MABABANG PRODUKSYON NG MGA MAGSASAKA DAHIL SA PABAGO-BAGONG PANAHON, TINUTUGUNAN SA TAYUG

Tinutugunan ng lokal na pamahalaan ng Tayug, Pangasinan ang mababang produksyon ng mga magsasaka sa gitna ng pabago-bagong panahon sa pamamagitan ng pamamahagi ng binhi, pataba at kagamitan.

Sa kagaganap lamang na programa ng lokal na pamahalaan, kabuuang 75 sako ng Hybrid Corn Seeds, 44 sako ng inorganic fertilizer at 45 unit ng Collapsible Dryer ang ibinigay sa mga magsasaka.

Ito ay upang tugunan ang mababang produksyon at maiwasan ang pagkalugi ng mga magsasaka dulot ng panahon, lalo na tuwing tag-ulan.

Inaasahang makatutulong ang mga kagamitang pang-post-harvest handling sa pagpapanatili ng kalidad ng ani, gaya ng collapsible dryer.

Facebook Comments