Mababang pwesto sa survey, hindi ikinakabahala ni Sen. Pacquiao

Hindi ikinababahala ni PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao ang resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia sa mga tumatakbo sa pagkapangulo kung saan naungusan siya ng mga katunggali.

Tiniyak ni Pacquiao na hindi sya panghihinaan ng loob at ganun din ang kanyang mga supporter na patuloy na kumakatok sa bawat pinto, sa bawat komunidad, sa bawat bayan at sa bawat lalawigan upang ibahagi ang kanyang plano para maiangat sa kahirapan ang ating bansa.

Naniniwala si Pacquiao na araw-araw ay dumadami ang kanyang suporta at pinagmalaki niya na mayroon syang solidong ground support.


Nakikita rin ni Pacquiao ang patuloy na lumalakas na suportang nakukuha niya sa Visayas at Mindanao habang positibo rin daw ang pagtanngap sa kanya ng mga taga-Luzon.

Facebook Comments