Mababang ranggo ng Pilipinas pagdating sa Reading Comprehension, dapat magsilbing hamon

Naniniwala ang Office of the Vice President na dapat magsilbing hamon para mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa ang resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA).

Lumabas sa pag-aaral, kulelat ang Pilipinas mula sa 79 na bansa pagdating sa Reading Comprehension.

Sa progrmang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, ang tagapagsalita Ni Vice President Leni Robredo, dapat may magawang hakbang para matugunan ang problema.


Ipinunto pa ni Gutierrez, na mas mababa pa ang Pilipinas sa bansang Lebanon, Bosnia at Herzegovina, na pinadapa ng giyera.

Aniya, palaging binibigyang diin ni Robredo ang kahalagahan ng Edukasyon.

Nabatid na wala si Robredo sa programa dahil nasa Bicol Region siya para sa Isinasagawang Relief Operations sa mga residenteng nasalanta ng Bagyong Tisoy.

Facebook Comments