MABABANG SINGIL NG KURYENTE NGAYONG BUWAN NG AGOSTO, INIHAYAG NG DECORP

Inihayag ng pamunuan ng Dagupan Electric Corporation o DECORP na asahan ang pagbaba ng singil ng kuryente ngayong buwan ng Agosto.
Sinabi ni Human Resource Development Head Atty. Randy Castilan na asahan na magkakaroon ng pagbaba sa singil ng kuryente sa nasabing buwan.
Ipinaliwanag na kung mababa lang yung tubig at mababa lang ang makukuha nilang average consumption ay mas magiging beneficial ang mababang singil na ito sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng baha dahil mababawasan ang kanilang bayarin
Samantala, magkakaroon aniya ng epekto ang pagbaha dahil hindi may ilang lugar o isolated area na lubhang nabaha kung saan hindi mapuntahan ng mga meter reader ang lugar.

Sinabi pa ng opisyal na sakaling hindi nabasa ng meter reader ang kontador ng konsyumer dahil sa baha dito na papasok ang kanilang rules o may authorization ang utility na magbase na lamang sa huling tatlong buwan konsumo ng konsyumer ang bayarin nito sa kukuhanan ng datos.
Matatandaan na sa naging panayam ng IFM Dagupan sa ilang MDRRMO Officers gaya na lamang sa bayan ng Calasiao na may lampas taong tubig ay ipinapatay muna pansamantala ang linya ng kuryente upang hindi makapaminsala ng buhay ang kuryente sa kasagsagan ng baha. |ifmnews
Facebook Comments