Mababang singil sa Meralco bill, asahan sa Marso

Inaasahang bababa ang singil sa kuryente para sa mga customers ng Manila Electric Company (Meralco) sa susunod na buwan.

Ito ay kasunod ng ₱13.89 billion refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, hinihintay nila ang final bills mula sa power suppliers.


Pero batay sa inisyal na pagtaya, may katiyakang bababa ang power rates sa Marso at magpapatuloy ang downward trend.

Ang overall rates ay bumaba ng higit ₱1 per kilowatt hour mula nang magsimula ang 2020.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan na mayroong mababang power rates.

Nitong nakaraang linggo, natanggap ng Meralco ang kopya ng kautusan ng ERC kung saan ipinaprubahan ang kanilang aplikasyon na mag-isyu ng provisional authority na magpatupad ng refund.

Facebook Comments