Patuloy na nararamdaman sa ilang bahagi ng Pangasinan ang mababang suplay ng isdang ibinabagsak sa merkado, partikular ng bangus, na dahilan ng pagtumal sa bentahan sa mga pamilihan gaya ng Mangaldan Public Market.
Ayon sa ilang tindera, bahagya nilang tinaasan ng ₱10 ang presyo ng bangus dahil mahirap kumuha ng suplay mula sa Magsaysay Fish Market sa Dagupan City.
Ayon naman sa ilang mangingisda, ramdam pa rin nila ang epekto ng nagdaang bagyo dahil kakaunti o maliliit na bangus ang kanilang nahuhuli kumpara noon na masagana.
Inaasahan nilang babalik sa normal ang suplay at kalakalan ng bangus sa mga susunod na linggo ng Disyembre.
Facebook Comments









