Manila, Philippines – Asahan na ang pagbaba ng singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan.
Maglalaro sa P0.20 hanggang P0.25 ang matatapyas sa kada kilowatt hour sa singil sa mga consumer.
Pero ayon kay Larry Fernandez, Head Utility Economics ng Meralco, maghanda na ang mga consumers sa Pebrero dahil tataas ang singil sa kuryente bunsod ng excise tax sa coal at value-added tax sa transmission charge.
Samantala, magkakaroon ng oil price hike sa produktong petrolyo ngayong araw.
Madaragdagan ng P0.55 ang kada litro ng diesel, habang P0.30 naman sa kada litro ng kerosene.
Facebook Comments