MABAGAL | Commissioner Guanzon, inupakan ang COMELEC Law Department sa election cases

Manila, Philippines – Aminado ang COMELEC na talagang mabagal ang usad ng mga kaso na may kaugnayan sa halalan.

Sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na dahil sa kabagalan ng kanilang Law Dept. , ang commissioners aniya ang nasisisi ng publiko.

Sa kabila nito, aminado rin si Guanzon na marami talaga ang hinahawakan nilang reklamo kaya nagiging mabagal ang takbo ng imbestigasyon ng COMELEC Law Department.


Hindi rin anya natatapos ang reklamo ng vote buying tuwing halalan dahil napapaikutan ng mga pulitiko ang umiiral na batas.

Ayon naman kay COMELEC Commissioner Luie Tito Guia, hindi natatapos agad ang isang election case dahil madalas umatras ang complainant o ang testigo.

Facebook Comments