Mabagal na contact tracing, bunsod ng hindi kumpletong impormasyon sa case investigation form ng mga COVID patients – DOH

Hindi kumpleto ang natatanggap na case investigation forms ng Department of Health hinggil sa mga pasyenteng may COVID-19 kaya natatagalan ang contact tracing efforts ng pamahalaan.

Ito ang inimin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng apela ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa DOH na tulungan silang tukuyin ang lokasyon ng 8,000 COVID-19 patients sa lungsod.

Ayon kay Vergeire, 80% ng mga pasyente ay walang inilagay na contact details habang 40% ang walang address.


Kaugnay nito, nanawagan din si Vergeire sa mga local government units at iba pang reporting units na kunin ang kumpletong impormasyon ng mga COVID positive para mas maging madali ang contact tracing.

Tiniyak din niya na nakipag-usap na sila kay Belmonte at inaaksyunan na ng ahensya ang hiling ng alkalde.

Sa ngayon, may 60,000 contact trancers ang pamahalaan at inaasahang madaragdagan ito oras na tuluyan nang maipasa ang Bayanihan 2.

Facebook Comments