MABAGAL NA KONSTRUKSYON NG ISANG TULAY SA TALIBAEW, CALASIAO, PROBLEMA NG ILANG RESIDENTE

Hirap na hirap si Tatay Ruel De Vera, residente ng Talibaew, Calasiao, sa pagpadyak ng bisikleta nito sa itinakdang rerouting area dahil sa konstruksyon ng tulay sa kanilang barangay.

Isa lamang siya sa mga dumadaing ukol sa mabagal na konstruksyon ng tulay sa barangay na higit isang taon nang ginagawa.

May nagmomotorsiklo rin na nagpahayag ng kanyang hinaing at sigaw na bilisan ang paggawa nito dahil lagi na namang umuulan.

Paliwanag naman ni Engr. John Liwanag, ang hepe ng construction section ng Pangasinan 4th District Engineering Office, nagdulot ng pagkaantala ang mga high tension wires na ikinabit ng isang electric provider para makapasok ang crane.

Dagdag pa niya, nakakaapekto rin ang naranasang pag-uulan.

Siniguro naman ni Liwanag na sa ekstensyon na ibinigay para sa pagsasagawa ng tulay ay matatapos na sa buwan ng Oktubre. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments