Nadiskubre ng bagong pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maraming nakabinbing aplikasyon para sa produksyon, transmission, at distribusyon ng kuryente.
Sa Bagong Pilipinas Ngayong, sinabi ni ERC Officer-in-Charge Atty. Jesse Andres, mabagal ang pag-apruba ng ERC kaya mabagal din ang pagpasok ng mga player sa energy sector.
Dahil dito, pinulong ni Andres ang mga tauhan ng ERC para mapag-aralan nila ang kanilang proseso sa pag-apruba sa power supply agreements at mapabilis ito.
Mahalaga aniya ang kanilang papel sa usapin ng kuryente dahil lahat ng Pilipino ay apektado sa presyo at suplay nito, mahirap man o mayaman.
Sisikapin ng ahensya na makabuo ng isang malusog na energy ecosystem mapabilis ang mga aplikasyon kasabay ng pagprotekta sa konsyumer laban sa mga nagmomonopolyo.
Ayon pa kay Andres, dagdag na kompetisyon ang kailangan para maging mas maganda ang suplay ng enerhiya at mapababa rin ang presyo nito.