Mabagal na pag-unlad ng Mindanao, dahil sa drug trade at terorismo?

Manila, Philippines – Isinisi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa labis na terorismo, extortion at drug trade ang hindi pag-unlad ng mga proyekto ng pamahalaan sa maraming lugar sa Mindanao.

Inupakan din ng pangulo ang ilang tiwaling pulitiko na nakipag-sabwatan sa mga terorista sa pagbebenta ng iligal na droga sa rehiyon.

Ang mga ito aniya ang dahilan kung kaya’t naging “Hotbed ng shabu” ang Mindanao lalo na ang Marawi.


Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na lumala ang rebelyon sa Marawi City dahil sa ilang local officials na sumusuporta sa mga terorista.

Facebook Comments