Umaasa ang mga residente sa bahagi ng Arzadon-Mayombo, Dagupan City na masosolusyunan na ang matagal na umanong problemang pagbaha sa kanilang lugar.
Sa tuwing sumasapit ang tag-ulan, naiipon daw ang tubig-ulan at matagal na humupa, dahilan na wala umanong lalabasan o maayos na daluyan ng tubig.
Kapansin-pansin din ang tila berde ng kulay ng tubig dahil naiimbak ito na kinababahalang may banta pa sa kalusugan lalo na ang mga taong sinusuong ang tubig baha.
Ayon sa ilang nakapanayam ng IFM News Dagupan na tumangging kuhanan ng video, aminado silang dekada na raw talaga ang ganitong problema. Sa katunayan ay hindi na bago umano ang pagbaha sa kanila, bagamat nababahala lang daw ang mga ito lalo ngayong tag-ulan na muli.
Sa bahagi ring ito matatagpuan ang sinimulan nang road construction na inaasahang makatutulong sa mga residente.
Samantala, nagpapatuloy ang mga road projects sa lungsod sa layuning matugunan ang matagal nang problemang pagbaha sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









