MABAGAL NA PAGRESPONDE NG MGA BUMBERO SA URBIZTONDO, PINASINUNGALINGAN NG LGU

Hindi patulog-tulog ang mga bumbero at pulisya, iyan ang giit ng lokal na pamahalaan ng Urbiztondo sa facebook post nito matapos punahin ng ilang residente ang mabagal na pagresponde ng mga ito sa Isang nasusunog na motorsiklo.

Umani ng reaksyon sa netizens ang naturang post matapos sabihin na pabagal-bagal umano ang mga law enforcement agencies sa mga kaparehas na insidente.

Ayon pa sa ilan, malapit umano ito sa police desk at fire station at saka lang dumating ang awtoridad noong tupok na ang apoy.

Ayon naman sa report ng BFP Urbiztondo, nasunog umano ang motorsiklo bandang 4:20 ng hapon at agarang nirespondehan noong 4:23 at idineklarang fire out sa loob lamang ng pitong minuto.

Dagdag ng LGU na kung may delay daw umano ay dahil ito sa mga bystanders.

May ilang netizens naman na pinuri ang tatlong minutong response ay quick response na umano dahil sa mga kaganapan na nagdala ng maraming sasakyan sa lugar.

Dagdag pa, maging realistic sila dahil talagang mabilis na matutupok ang motorsiklo dahil ito ay may gasolina. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments