Mariing pinabulaanan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na mabagal ang pamahalaan sa pagtugon sa kumakapos na supply ng baboy at galunggong sa mga palengke.
Ito ang kanyang tugon matapos sumipa sa 4.7% ang inflation ng bansa nitong Pebrero.
Ayon kay Nograles, inaasahang magiging matatag na ang supply nito ngayong buwan.
May mga nakalatag ng hakbang para sa inaasahang kakulangan sa supply ng karne ng baboy.
Pero aminado si Nograles na ang mga inilatag na measures ay short-term solution sa problema lamang.
Sa supply shortage ng galunggong, sinabi ni Nograles na balak ng pamahalaan na itaas ang supply ng iba pang isda tulad ng tilapia at bangus.
Sa kabila ng pagtaas ng inflation at kakulangan sa supply ng isda at baboy, naniniwala si Nograles na pansamantala lamang ito.