Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo ang mabagal na paggamit ng donated funds ng Office of Civil Defense (OCD) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at Marawi evacuees.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, ipinagtataka ni Robredo dahil bagamat mayroong pondo para tulungan ang mga nangangailangan pero hindi ito naipapamahagi.
Diin pa ni Robredo – dapat pinangungunahan ng gobyerno ang proper disbursement ng pondong nakalaan sa mga benepisyaryo upang matiyak na ang mga donasyon ay hindi ito napupunta sa wala.
Nais din ng bise presidente na magpaliwanag ang mga kaukulang ahensya hinggil dito.
Ang pahayag ni VP Robredo kasunod ng report ng Commission on Audit (COA) na ₱10,000 mula sa ₱36.92 million cash donations ang nagamit ng OCD para sa biktima ng 2017 Marawi siege.