Idinadaing ngayon ng ilang mga benepisyaryong transport group sa Pangasinan ang umano’y mabagal na usad ng distribusyon sa fuel subsidy mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Bagamat naumpisahan naman na ang pamamahagi sa rehiyon ng naturang subsidy ay marami pa umano sa mga miyembro ng ilang umaalmang transport group ang hindi pa nakakatanggap o napapamahagian gaya ng Autopro Pangasinan na aapila na sa tanggapan ng LTFRB.
Mangangalap muna ng datos ang naturang transport group sa mga miyembro nitong drivers at operators na hindi pa nakatatanggap ng ayuda at saka i-susubmit sa LTFRB.
Nananawagan ang ilang drivers at operators sa mabilis na pagproseso sana ng pamamahagi sa fuel subsidy dahil araw-araw silang nakararanas ng hirap sa pabago-bagong presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaan na noon pang buwan ng Setyembre nang maaprubahan ni PBBM ang release ng kabuuang tatlong bilyong pisong fuel subsidy para sa mga kwalipikadong drivers at operators sa bansa na nahihirapan sa taas ng presyo ng petrolyo. |ifmnews
Facebook Comments