MABAHONG AMOY | Animal graveyard sa Tondo, Maynila, iimbestigahan ng mga otoridad

Manila, Philippines – Iimbestigahan na ng mga otoridad ang dahilan ng mabahong amoy na nanggagaling sa animal graveyard sa loob ng compound ng Manila City Veterinary Office sa Tondo, Maynila.

Sa ulat, una nang inireklamo ng mga residente na nakatira malapit sa lugar ang mabahong amoy dahil dito inililibing ang mga namatay na hayop tulad ng aso at pusa.

Reklamo pa ng mga residente na hindi na nila matiis ang amoy kung sana ang iba sa kanila ay sumasakit ang tiyan at panay ang pagsusuka.


Una naman inispeksyon ng Baguio Animal Welfare Group at nang Department of Agricultures Animal Health and Welfare Division ang nasabing lugar pero hindi pa nila inilalabas ang assessment nila hinggil sa nasabing isyu.

Facebook Comments