Mabahong amoy na inireklamo ng mga residente ng Brgy. San Juan, Taytay, Rizal, natugunan na ng Taytay Rizal Government

Napawi ang pangamba ng mga residente na posible silang magkakasakit kung hindi agad tinugunan ni Taytay Rizal Mayor Joric Gacula ang reklamo ng mga residente sa masangsang na amoy sa Blk. 22 Bermside, Damayan Brgy San Juan, Taytay, Rizal dahil sa reklamo ng mga residente doon sa mabahong amoy sanhi ng nilulutong “used cooking oil”.

Agad na nagpadala si Mayor Gacula ng kanyang mga tauhan na kinabibilangan ng GSO Composite Team at Garbage Collection Unit kung saan naabutan sa akto na nagluluto ng drum-drum na “used cooking oil” na sobrang masangsang ang amoy na nagiging sanhi pa ng respiratory problem sa mga residente roon.

Agad kinumpiska ang mga drums at laman nito at sinampahan ng pagalbag sa Republic Act 8749 o Clean Air Act of 1999 at R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Management. Program ang may ari ng naturang lugar.


Nagpaabot ng pasalamat kay Mayor Gacula nag mga residente sa Blk. 22 Bermside ng Damayan, Bgy. San Juan na nagreklamo laban sa mga “nagluluto” ng drum-drum na “used cooking oil” kung saan ay napakamasangsang ang amoy at may mangilan-ngilang umanong mga bata ang nagkakahika na dahil sa masangsang na amoy nito.

Facebook Comments