Mabahong medyas, nagdulot ng kaguuluhan sa isang bus

Inaresto ang isang lalaki sa India matapos itong magdulot ng kaguluhan sa isang bus na papuntang New Delhi dahil sa suot nitong mabahong medyas.
Batay sa ulat, hinubad ng lalaki ang kanyang sapatos at medyas at inilagay sa gitnang bahagi sa loob ng bus.
Umangal naman ang ibang pasahero at sinabihan ang lalaki na alisin at itapon ang mabaho nitong medyas.
Nagmatigas ang lalaki na naging dahil para makasagutan nito ang ibang pasahero.
Dahil dito, napilitan ang driver ng bus na magtungo sa isang police station sa Himacal Preadesh sa Una District. Kinasuhan ang lalaki ng “public nuisance” ngunit nakapagpyansa din ito kalaunan.

Facebook Comments